Pages

Friday, July 17, 2015

Jenalyn Garcia o Jennelyn Abrasaldo: Child Barker with Cataracts Needs Help

 
I hope someone who is in a better position to help her, does come out and reach out to her. This child who works as a jeepney "barker" is a little girl pretending to be a boy so she won't get raped in her line of work. Among other things, she is completely on her own (responsible for herself at a young age) and suffers from cataracts. As you can see, her cataracts are really bad, she might lose her sight if left untreated :( 

Thank you Jiance Mercado for posting this. You might really change her life for the better

  
This is Jiance Mercado's Facebook post:

Thursday, July 9, 2015.
Around 830PM.
Super lakas ng ulan pagsakay ko pa lang ng bus sa Taytay bumuhos na ang malakas na ulan.
Pero wala akong pakialam.
Punom-puno ako ng problema ng araw nato, gusto ko ng sumuko at magsawalang bahala na lang pero kailangan kong pumasok sa trabaho dahil kahit papano inaasahan ko yung sahod ko dahil may binubuhay ako.
Nasa unahan ako naka upo at may tumabi saken na bata.
Payat at medyo madungis at may dalang payong.
Akala ko anak ng kundoktor pero hindi, kasi nagbayad siya ng sampung piso.

Bata: "Kuya, bayad po. Saka na lang po yung kulang. Sa Rosario lang po."

Tinanggap naman ng kundoktor ng walang reklamo. Tapos napansin ko yung mata niya, kaya pala, may katarata ang dalawang mata niya.NAAWA siguro si KUYA.

Dinedma ko na siya after niyang magbayad kasi nga problemado din ako non.
Pero kinausap niya ako.

Sabi niya:
"Ate, saan ka po bababa?"
Napataas kilay ko kasi di ako sigurado kung ako ba talaga kinakausap niya.
Pero nakita ko naman na sa akin siya nakatingin.
Kaya sabi ko: "Jan sa Life Homes lang"..

Bata: "Naku po. Wala kayong payong ate, malakas po ang ulan."

"Hayaan mo na. Ganon talaga. Teka, mag isa ka lang? Bakit wala kang kasama?"

"Galing po kasi ako sa Papa ko, sa Binangonan. Humingi po ako ng pambaon sa school."

"Binigyan ka naman? Ano ba gagawin mo sa Rosario? Dapat nagpasama ka sa Papa mo pabyahe."

"Binigyan naman po kaso sampung piso lang. Ang sungit po kasi ng bago niyang asawa eh. Kaya pupunta po ako ng Rosario ngayon para mag-BARKER."

"Huh? MagBABARKER KA pa?? Eh ang lakas lakas kaya ng ULAN?!"

"Ok lang po yun ate. May payong naman po ako eh."

"Kahit na. Gabi na oh. Ilang taon ka na ba?"

"11 po."

"Okay. Anong pangalan mo?"

"Jenalyn po. Jenalyn Garcia."

"Jenalyn? Bakit pambabae?!!"

"Eh babae naman po talaga ako eh."

"Huh? Hala! Eh bakit ganyan buhok mo? Akala ko tuloy lalake ka.

"Kasi po ate kapag nag barker ka at nalaman ng mga rugby boys na babae ka, re-rape-in ka po nila at pagtitripan."

"Huh???!! Nako wag ka na mag barker. Umuwi ka na lang sa nanay mo."

"May asawa na din pong iba mama ko at nasa malayo na siya. Tumatawag tawag na lang po siya."

"Ganon? Eh san ka umuuwi ngayon?"

"Sa kuya ko po. Kaso nahihiya na din ako sa kanya kasi may mga anak na din siya. Dagdag palamunin lang ako don kasi nag aaral na din po yung panganay niya eh."

"Huh? Wala ka na ba ibang mapupuntahan? Ilang kayong magkakapatid?"

"Tatlo po. Pero yung panganay na kuya ko, lulong na po sa droga pati asawa niya kaya po yung pamangkin kong isang taon pa lang, lagi nilang ginugulpi."

"ONE YEAR OLD GINUGULPI??!!! Diyos ko."

"Opo."

"Kawawa naman. Saan ka nag-aaral?"

"Sa De Castro po, ate. Grade 4 na ako. Magaling po ako sa Math pero mahina po ako sa English eh."

"Ok lang yan basta mag aral ka lang ng mag aral. Teka, pano yan pag wala kang baon?"

"Nagtitiis po pero madalas wala na din ako gana sa eskwela lalo na pag gutom na ako. Ang hirap po. Kaya nag-BABARKER na lang ako kaso nakita po ako ng teacher ko. Nahiya tuloy ako kaya libre na lang po ako sa cook-food."

"Huwag kang mahiya na nahuli ka niya nag-babarker, mas mahiya ka kapag nakita ka niyang nag-rarugby."

"Opo ate tama ka jan!"

"Teka, ano pala nangyari jan sa mata mo?"

"Di ko po alam eh. Pagka-panganak po saken ganito na to eh."

"Ganun ba?"

"Hehe ok lang yan ate.
Meron po akong contact lens na hindi na kailangan hubarin."

"Haha onga no."

Napasarap na kwentuhan namin pero dumating nako sa STOP KO. Dahil naaliw ako sa kanya at naawa, binigyan ko siya ng 20 pesos at binigay ko na din sa kanya ang baon kong kanin at ulam. Gipit na gipit din ako ng panahon na yan kaya naman yun lang talaga nakayan kong ibigay.

Oo nakaka-awa ang sitwasyon ni Jenalyn pero mas nakakabilib siya kasi kahit ganon ang kapalaran niya, mas pinili niyang dumiskarte kesa magreklamo. Samantalang ako, mas blessed pa ako pero kaunting problema lang, sumusuko na ako.

Lagi ko kasing iniisip na kawawa ako dahil SINGLE PARENT ako, pero naisip ko, hindi pala ako kawawa at mas lalong hindi kawawa ang anak ko kasi wala siyang TATAY. Kumakain ng higit sa tatlong beses sa isang araw ang anak ko, at may magulang akong naaasahan sa oras na kailangan ko sila di katulad ni Jenalyn na walang lugar sa mga magulang niya pero kahit ganon pa man, hindi man lang siya nagrereklamo.
Ayaw pa niya sana tanggapin yung 20 pesos na iniabot ko dahil 5 pesos lang daw ang ibinabaon niya araw-araw. Sabi ko sa kanya na itabi niya na lang para kinabukasan. Pinilit niyang ialok saken ang payong niya kahit malakas ang ulan, tinanggihan ko siya. Mas kailangan niya yun dahil kahit papano may pampagamot ako pag may sakit ako.

"Jenalyn, magdasal ka lagi ah at mag aral kang mabuti."

"Lagi po akong nagdadasal, ate. Kakampi ko po ang Diyos. Maraming salamat po, ate. Mag iingat kayo."

"Umuwi ka na ha? Wag ka na mag-barker."

Pagbaba ko ng BUS, di ko na napigilan. Umiyak nako.
Sobrang BLESSED ko pala.
Sisiw lang pala ang mga problema ko.

Kumbaga, ako napilayan lang pero yung iba naputulan na pero di pa din sila nagrereklamo.

Sa buhay nato, dumarating talaga ang mga pagsubok kaya dapat di tayo basta-basta susuko kasi ang problema, ginawa yan ng Diyos para patatagin tayo.

Thank you, Jenalyn Garcia.
Hayaan mo, magkikita pa tayo.
Salamat. Alam kong ginawa kang instrumento ng DIYOS para maliwanagan ako.

Ang dami dami pwedeng scenario na maganap ng araw na yun pero sumakto nung problemado ako.

TRULY, GOD IS AMAZING!

  

No comments:

Post a Comment