About time ma-spotlight itong customs tax ng postal service in the Philippines. They tax you for items sent to you by relatives. Sometimes they hold the parcel at the Post Office if they think its heavy enough to contain something of value. They check out the goods and tax you with a ridiculous amount, alam nila bibigay ka, importante yun padala eh, its something you're willing to pay for. And huwag kang umasa mangyayari ang return to sender protocol na yan!
Here's the post going viral on Facebook from netizen Mhelody Olga:
OMG galing ako sa post office main mag claim ng padala from LONDON at eto ang ngyari.. binuksan nung babae ung box at ang laman nia BAG na GUCCI ngaun sabi nia mam ang ganda namn ng bag nio kaso may babayaran po kayong tax.. nagserach xia sa internet para tignan lng ang model ng bag na pinadala sakin.. hindi nia mahanap, ngaun sabi nia mam eto po ang kamukha ng bag nio na nakita ko sa internet eto po ang pinakamura na price so yan na lng po ang e declare ko sabi nia eto po ung price 1,200 Dollars ang amount daw nung bag,, so ngaun may tax daw xia 15,959 pesos mga kapatid.. naloka ako.. DIto pla sa PILIPINAS kung my pinadala ang kamag anak mo , na dapat kukunin mo na lng at wala ka ng babayaran.. Yun pala kailangan mong mgbayad ng TAX,mas MAHAL pa kesa pinagbili ng NAGPADALA SAYO..Parang binebenta nila sa yo yung pinadala para sa yo na kukunin mo lang dapat, kaloka!ETO PA NAGTANONG AKO SA KNYA SABI KO KUNG HINDI KO BA MAKUKUHA YAN KASI WALA AKONG PERA IBABALIK NYO PO BA YAN SA TITA KO NA NaGPADALA?
ANG SAGOT SAKIN.. MAM HINDI PO SA GOVERNMENT DAW MAPUPUNTA.. AHAHAHA.. MGA NASA GOBYERNO TAGA MUKHANG PERA.. AHAHAH. E DI MAGPAPASALAMAT YUNG BABAE SAKIN DAHIL GUSTO NIYA UNG BAG KO,, AHAHHA.. KAWAWANG BAG..
PINAGHIRAPAN NG TITA KO PARA IBIGAY SAKIN.. IBA LANG MAKIKINABANG.. .
Sa mga OFW na matagal na sa abroad, hwag po tayo magka-amnesia, hindi pa rin po nagbabago ang Pilipinas. So hwag po kayo magpapadala ng mga importante or mamahaling items via Philippine Post kung ayaw niyong ma-Tax ang loved ones niyo. Problematic din ang balikbayan boxes lately, pero ano ba ang alternative?
No comments:
Post a Comment