Sunday, September 20, 2015

Bala sa Bagahe: NAIA Airport Staff Asks Balikbayan to Pay P500 for Bullets in her Luggage

Isang Pinoy balikbayan mula sa Long Beach California ang hinarang sa NAIA dahil may nakitang mga bala sa kanyang bagahe.



May bagong raket na naman ang staff sa NAIA. Mag-ingat po mga balikbayan pauwing Pilipinas.

The luggage pocket where they supposedly "found" the bullets.

Mrs. De Guzman's luggage went through the NAIA x-ray machine and she was flagged for carrying bullets in the pockets of her travel luggage.

I reiterated that those bullets were not mine and that I have no idea where they came from. Aba, bakit naman ako magdadala ng bala sa airport! At san ako kukuha ng bala?!?!




Without any other question towards me, they asked for my passport and my greencard. They threatened that they will be putting this on my record and will reflect on all my future travels.  


Eto ang buong Facebook post ni Ginang De Guzman :

Nakakaloka talaga ang NAIA!!! I just got off a flight from Manila to LAX at talaga namang ang pangongotong sa Pilipinas e hindi natatapos!!!

I got to NAIA Terminal 2 between 6:30-6:45PM September 18, 2015. I was in a wheelchair and only had three bags. Pagdating sa NAIA tinulungan ako ng mga porter. One was pushing my wheelchair and the other was pushing my baggage. My bags were xrayed as per procedure. Pero paglabas ng mga gamit ko galing sa xray e bigla akong tinawag ng NAIA staff! isip isip ko e wala naman akong dalang kahit ano, pagkain lamang! Lumapit agad ang isa at binulungan ako na baka daw may dala akong anting anting o agimat o kung ano man na baon ko sa baggage. Diyos ko po, wala naman akong alam dun!

Sabi ko pa baka hindi akin ang baggage na yan kasi sunod sunod naman ang mga ine-X-ray. Inulit nga nila, tapos tinawag ako nung NAIA lady staff na may baon daw akong kakaiba sa bagahe.




Pinasok ng lalaking staff ang kanyang kamay sa bulsa ng bagahe ko habang nakatalikod sakin. Pagharap niya e nakasara ang kanyang kamay at patago na binuksan ang kamay! Paglabas -- aba'y may hawak na bala!!! dalawang bala ang nilabas niya. Wala nang tingga ang isa at ung isa e buo pa!

Without any other question towards me, they asked for my passport and my greencard. They threatened that they will be putting this on my record and will reflect on all my future travels. I reiterated that those bullets were not mine and that I have no idea where they came from. Aba, bakit naman ako magdadala ng bala sa airport! At san ako kukuha ng bala?!?!



Umalis ung babae't lalaki na kausap ko. Dala dala nila ang passport at greencard ko. Hindi ko alam kung ano gagawin ko. Wala akong alam sa balang yon!!! Pinaghirapan ko ang greencard ko at napakatagal kong inaayos un. Bigla biglang magkakaroon ako ng record na wala naman akong ginawa!

Pagbalik ng babae, sinabi ko na baka pwedeng irecheck kasi hindi talaga sakin ung mga bala. Baka kako naman pwedeng may iba pang paraan para hindi ako magka record kasi hindi talaga akin yun.

Bumulong ung porter sa tabi ko. Sabi niya, "Ate, ayusin mo nalang. Pwede na yan sa 500." Sabi ko sa babae e, "Baka pwedeng tulungan mo ako." Sagot naman niya, "O sige po, iabot mo nalang sakin patago. Baka mahuli ako ng supervisor."





Dyos ko po!!! Para lang sa 500 e magkakarecord ako at baka hindi pa ako makasakay sa eroplano pabalik ng LA?!?! Sige na! ibibigay ko na!

Sa pangalawang pagkakataon e binodycheck ako at dun ko na inabot ang 500 pesos sa kanila. Pati ung porter na bumulong e binigyan ko ng 200 pesos.

Ayun, pinayagan na akong umalis! Ay nako!!! Para sa 500 pesos e maninira sila ng pangalan ng tao!!!

No comments:

Post a Comment