Tuesday, November 29, 2011

KC Concepcion: The Buzz Interview with Boy Abunda

KC Concepcion's Statements from The Buzz Interview with Boy Abunda last November 27, 2011:



Her First Showbiz Love
"It’s my first showbiz relationship, pareho kami ng trabaho. So I think the best thing is that natuto ako na parang naging mas mature talaga sa relationship na ito. First relationship ko rin na seryoso talaga to the point na may mga bagay na hindi naman ako komportable, nagagawa mong tanggapin kasi mahal mo and you choose to accept. Mas naiintindihan ko kung ano ’yung pagmamahal. It sounds corny pero ’yun, mas accepting ako."

What Piolo Wants:
"May mga hinahanap ako na basic lang na hahanapin ng isang babae sa isang boyfriend, sa isang lalaki. Ayoko na magbigay ng details, kasi ayokong siraan siya. Pero let’s just say na lahat talaga, kaya ko, lahat! Lahat ng kung may anak siya, tinanggap ko ‘yun. Tinanggap ko ‘yung anak niya! Kahit may mga times na hindi ko siya maintindihan, tinanggap ko. Kasi, sinasabi sa akin ng mga kaibigan namin na personality niya ‘yun. Kapag may mga bagay na hindi ako sang-ayon, na ginagawa sa isang babae, tinatanggap ko. Kasi, naniniwala akong mabait siyang tao. May mga bagay na hindi ko na kayang lunukin. Hindi ko na kaya ‘yun tanggapin...Kasalanan ko rin ito sa sarili ko. Kasi siyempre, ginusto ko naman ito, ‘di ba? So, kasalanan ko rin sa sarili ko. Kasi, pinaglaban ko pa, eh. Saka sobra-sobra talaga akong nagtiwala. Sobra."

More than a Woman:
"Marami pong naklaro sa akin, yung mga kaya ko at di ko kayang gawin bilang babae na minsan… kailangan mo ring intindihin ‘yung sarili mo. Kasi, bigay lang ako nang bigay. Saka iniintindi ko lahat. Parang masyado akong nagbigay ng benefit of the doubt sa lahat. Intindi lang ako nang intindi. Tanggap lang ako nang tanggap. Hindi pala dapat ganun."

The Break-Up:
"PJ knows exactly why we broke up. He knows exactly why. And araw-araw na nakikita ko siya, araw-araw na magkasama kami, parang tug of war talaga. Kasi, ito ‘yung taong minahal ko, o mahal mo, pero sobra akong nasasaktan ngayon. Pero mahal ko siya, pero hindi na talaga puwede. Araw-araw na magkasama kami, iniisip ko, ‘Dito lang tayo sa Amerika nagkaroon ng panahon na tayong dalawa lang, ni hindi natin na-enjoy?’ Dahil hindi na gagana."



The Truth About Piolo Pascual
"Bigla na lang akong maiiyak, kasi hindi pala ako okay. Ewan ko kung bakit, paanong nangyari, ‘yung pain at saka ‘yung sama ng loob naging galit, na talagang nagugulat din ako kasi first time ko na rin na parang napapamura na rin ako. Hindi naman ako ganun, and bigla na lang akong maiiyak kasi hindi pala ako okay. And then siya, natatawa lang siya. Kapag nakikita kong ini-interview siya, idadaan lang niya sa joke. Feeling ko, ‘Bakit ikaw ganyan, ako ganito? Bakit parang hanggang sa huli, mag-isa lang ako rito?’ Anong sasabihin ko sa pamilya ko? Anong sasabihin ko kay Mama na tanong nang tanong kung kami pa ba o hindi na? Kasi, kapag sinabi kong hindi na, magtatanong siya, ‘Bakit?’ Anong isasagot ko sa kanya? Anong isasagot ko sa lola ko (Elaine Cuneta) na mahal na mahal siya? Hindi ko masabi kasi, eh. Hindi ko talaga masabi sa kahit na sinong tao kung anong nangyari. Hindi ko talaga puwedeng sabihin."

Chances Are: Odds are Against Us
"Nag-sorry naman siya. Binigyan ko siya ng second chance, third, fourth, fifth, sixth, seventh chance. Pagdating ng eighth chance, parang na-realize ko, hindi lahat ng problema, nadadaan sa kilig. Hindi lahat ng problema, nadadaan sa tawa. Hindi lahat, nadadaan sa kilig. Kasi, ang galing-galing niyang magpakilig! Ang tanga-tanga ko nga, Tito Boy, eh. Dumating lang siya sa point na parang, ‘Sandali lang, parang hindi na natin inaano ‘yung totoong nangyayari. Kasi, titingnan ka lang niya, ay, wala na, nakalimutan ko na lahat! Lagi na lang gano’n."

Am Not Perfect:
"Naniniwala naman ako na ‘pag sinasabi ni PJ na minahal niya ako, naniniwala naman ako na meron namang katotohanan ‘yon. Pero masakit man sabihin, hindi ako ‘yung… siguro nag-fail din ako dahil hindi ako ‘yung kailangan niya sa buhay niya. Or hindi ako ‘yung hinahanap niya sa buhay niya. And hindi ko maibigay sa kanya ‘yung kailangan niya. Ang hinihingi ko lang sa kanya, PJ, please huwag kang magagalit sa akin dahil nasaktan ako. Huwag kang magagalit sa akin dahil hindi ako perpekto. Huwag kang magagalit sa akin dahil may mga bagay na hindi ko na kayang intindihin at tanggapin. Huwag kang magagalit sa akin kung kailangan ko munang maramdaman ito lahat. Kung kailangan ko munang mag-respond at mag-react kung paano normal na mag-react ang isang babae sa sitwasyon ko, please."