Monday, December 12, 2011
Higad sa Salad sa Chic-Boy Timog: Caterpillar anyone?
Higad sa Salad!? OMG! How can anyone from the kitchen staff miss anything this huge and prickly? Caterpillar protein anyone? Ano sa tingin niyo?
Chic-Boy: Chicken at baboy restaurant is known for their Cebu Lechon Manok and Cebu Lechon Liempo.
Now making the viral rounds on Facebook called the Chickboy scandal or Chic-Boy Restaurant Scandal on a plate:
Taken from the Facebook page of the customer who ate the said caterpillar
Chickboy Scandal
Date of Scandal: November 21, 2011
Time of Scandal: 3:54-4:00pm
Place: ChickBoy Timog
A Break-Up letter from an Upset customer
Dearest ChickBoy,
I've been a biggest fan of you. I love your chicks, I love your boys. I love your chicken and i love your baboys, I even love your nilasing na hipon and your sinigang sa miso na salmon. I chose to have an affair with you because you seemed to have a cool place plus the staff seems to be nice and definitely you've got good food! You were my trophy then. I tried to brag you around my friends.I can see how they envy me whenever i am with you.
Pero ngayon ko lang nakilala ang totoong CHICKBOY. Kung sino ka, at kung pano mo ko tratuhin. Dalawang linggo na ang nakakalaipas mula ng pinakain mo ako ng ginisang kangkong na may pagka-laki laking bulate o caterpilar o kung ano man yun.
Gusto ko lang ipaalala sayo kung ano ang mga pangyayari nun, nung hindi mo ko hinarap. Matapos kong umorder pati ang kasama ko ng dalawang lechong liempo,isang regular ice tea, at isang botomless,pati na ang bago niyong labas na salmon sashimi at siyempre pa,hindi mawawala ang pagkasarap sarap na ginisang kangkong. Ang total bill namin ay 358php...Sa pagkakaalam ko yung lang ang inorder ko at hindi kasama ang bulate.
Nagyon habang ngasab ako ng ngasab sa aming kinakain, napansin ng kasama ko na oily yung kangkong. sabi ko "Masarap nga yun, oily". nung tinikman ko, ok naman, para lang may petroleum gelly ka lang na kinakain with kangkong, pero ok lang. kumain pa rin kami, may natira pang konti sa kangkong sabi ko ako nalang uubos sayang. Tapos Bigla nalang may sumulpot na mahaba at mataba na nilalang sa kangkong. sabi ko "Ano to?", sabi ng kasama ko "Ay, baka talong". Natawa pa ko, sabi ko "Ang galing may libreng talong!" Sinubukan kong hiwain ito sa pamamagitan ng tinidor, pero ang kunat nito. hanggang sa itinihaya ko ito. At sa pagtihaya ng nilalang, tumambad sa akin ang kanyang mga paa at pati ang mukha nito na parang nagsasabing " Alam mo this time pwede kang magreklamo, tutal nasipsip mo na buong pagka bulate ko, at isa pa obvious naman na ang laki ko".
Alam mo Chickboy hindi naman ako mahirap ka relasyon, sa totoo lang hindi ko alam kung malas lang ako sa mga ganitong bagay, kasi dati sa ibang kainan, may ipis na maliit na kasama sa pagkain ko, langaw, uod na maliit.. Pero ito naman, sobra naman sa laki na imposibleng hindi mo makita! So, siyempre sa hitsura pa lang siguro naman ok lang na mag complain ako no? pati nga mga waiters niyo nagulat sa sobrang laki, yung iba nga kinuhaan pa ng picture. Tapos yung supervisor niyong hindi ko itatago ang pangalan na si Glaiza, namutla talaga, tumawag kagad sa Management. halos ayaw na kong harapin. ang sabi lang niya sa akin. "Mam, paltan nalang ho namin yung kangkong" what??? Sa tingin mo ba kakain pa ko ng mga pagkain niyo pagkatapos ng lahat? na nasipsip ko na ang buong pagkabulate ng nilalang sa kangkong ko?. Kumalma naman ako, pero yun pa rin ang sinabi ko. sabi niya "Ma'm ano ho bang gusto niyo?".
Strike 2!
siyempre sinagot ko "Ang gusto kong malaman kung bakit may malaking bulate sa kangkong ko at hindi niyo nakita!". Lalong namutla yung Glaiza at sabi "Mam babayaran nalang po namin lahat ng kinain niyo". Mainit pa ang ulo ko, pero tumango nalang ako. Pero binawi ko rin ito after awhile, mga limang minuto, kasi gusto ko nalang i take out ang kangkong na may bulate. Malapit ko na sanang palampasin ng dumating ang magiting niyong head waiter na di ko na alam ang pangalan.
Sabi ko kasi kay Glaiza, i take out ko yung kangkong na may bulate.E ayun na nga, etong si head waiter sumabat na ang sabi "Mam, wait lang ho, kasi nirereview ho pa namin yung sa cameras, kasi may mga naka-install na cameras dito eh"
Strike 3!
Ah ganon, hindi ako tanga, at alam ko kung ano ang gusto mong sabihin pwes inunahan ko na. sabi ko "Mabuti pa i review niyo ng malaman niyo kung sino naglagay ng malaking bulate sa kangkong ko! at makita niyo rin kung gaano ako sumuka pagkakain ko ng kangkong niyo!, akin na, akin na ang tinake out kong kangkong na may bulate!" aba strike 4 humirit pa ang waiter na ito at sinabing "Naku, mam pag ho binayaran na kayo hindi niyo na ho makukuha yung kangkong."
Strike 4!
Aba, ako pa pala ang mukang pera. eto ang sabi ko "Kuya, di ka ba nakikinig? sinabi ko na kanina pa kay Glaiza, na di na ko magpapabayad ng kinain namin ang gusto ko lang yung kangkong na may bulate! ngayon, ibigay mo sa akin yung kangkong ko kasi binayaran ko yon!kaya akin na ang kangkong na may bulate!" hindi na nakaimik pa si kuya at ang lahat. edi nataranta kayo ngayon. May meeting ako nung hapon ding iyo at kailangan ko ng umalis. Sabi ko" Excuse me, may meeting pa ako babalik ako mamayang gabi, at mamayang gabi ibigay niyo na sa akin ang kangkong na may bulate at ipakausap niyo nalang sa akin may ari nito para hindi na kayo ma mroblema" . Sa totoo lang naawa pa ko, dahil mga tauhan lang sila at hindi nila alam kung anong gagawin sa mga ganitong sitwasyon.
So bumalik nga ko kinagabihan.. Pinaharap niyo sa akin yung isa niyo pang supervisor o pang gabi, sabi niya tinapon na raw yung kangkong na may bulate, pero tinawag ko yung Glaiza. Sabi niya "Ay mam hindi pa ho namin tinatapon", ano ba yan sobrang halatang nagsisinungaling kayong dalawa.. So si supervisor or manager na pang gabi, inexplain sa akin kung ano ang proseso niyo ng pagluluto ng kangkong. Sabi ko, nasa proseso ba ng pagluluto ang paghuhugas ng gulay?. You're not getting my point. Since wala kayong maisagot, nilagay niyo ko sa isang tabi tapos bumalik kayo kasa ang isang food checker at dalawang pulis.
Akala ko yung pulis, yung kami ang nagpadala, since na reklamo na namin sa kamias station na wala rin naman palang nagawa. Ngayon, ang akala ng mga pulis na ito masisindak niyo ko, well well well nagkamali ka..dahil sa pagkakataong ito ako ang tama at ako ang complainant! at sasabihin pa sa akin ng mga pulis na ito na, ang mali ng isa ay hindi mali ng lahat…ang point dito may sinabi ba akong ganun? ang point dito bakit may bulate sa kangkong ko!
tapos hihiritan pa ako, na may food checker kayo, na one year na kayong operational. Tinanong ko siya kung siya ang manager, hindi ko na hinintay kung tumango man siya o hindi. sabi ko
" Pwes ang pangit ng management niyo! Alam niyo, kung kayo takang taka kung bakit may bulate sa kangkong ko, mas lalo na ako!Dahil NASIPSIP KO LANG NAMAN ANG BUONG PAGKABULATE NIYA. Ngayon, kung iniisip niyo na ako ang naglagay ng nilalang diyan, sana man lang hindi ko ginisa sa kakainin kong kangkong at lasap na lasap ko ang laman ng bulateng yan! ngayon, kung ayaw ibigay sa akin ang kangkong kong may bulate, kumuha kayo ng limang bulate at sipsipin niyo sa harap ko ok na ko! hindi niyo na kailangang kainin yung balat tutal yung laman lang naman nakain ko!"
Ayun, natahimik kayo..nag alisan na sila,medyo natawa pa nga sa monologue ko. Tapos in the end after more than 30 min of waiting. nag reklamo na ako at kailangan kong umalis. Yung mga pulis, niyaya ako sa loob ng room. Pumunta naman ako at sinundan ako ng kasama ko.
At tong mga pulis nato ang unang tanong.."Ano ho ba ang gusto niyo?" pwes sinagot ko siya " kuya, paulit ulit? pa-ulit ulit? ikaw ang sumagot ng tanong mo! ang gusto ko yung kangkong na may bulate"! tapos natahimik siya, sinabi niya na mam, kasi medyo napataas ang boses niyo dun sa labas.
Nilaksan ko ang boses ko na pang main theater ng ccp..sabi ko," Ako pa ngayon ang may kasalanan!ako na nga nakakain ng bulateng pagkalakilaki! at isa pa, una sa lahat, bakit niyo kasi ako nilagay sa gitna ng mga customers niyo? at isa pa, bakit ikaw ang kausap ko? part owner ka ba ng chickboy?"ayun natahimik ang pulis patola.. sabi ng kasama ko. "bakit ba kampi kayo sa kanila eh kami ang complainant! at isa pa kaya gusto namin kunin yung kangkong na may bulate kasi gusto namin kayo ireklamo sa BFAD. bigyan lang ng leksiyon."
Sabi ko."alam niyo, kung kayo nag SORRY nalang hindi na siguro nangyari yung ganito!" papano, ang yayabang pa, napaka defensive kagad. hindi aminin ang mali! sabi ng pulis.."mam, di pa ho ba sila nagsorry?" sabi ko "hinde!!!inexplain niyo lang naman sa akin ang tungkol sa pagnenegosyo, kung papano dinedeliver ang mga gulay niyo at kung papano niyo pinapatakbo ang chickboy!!!"….
Anyway, bago pa makagawa ako ng gulo, pinakalma na ko ng kasama ko at aalis nalang kami…gusto ko lang sabihin sa'yo CHICKBOY na wag niyo kong lekturan sa pagnenegosyo mag seminar muna kayo ng TUNGKOL SA SANITATION, HOW TO DEAL WITH CUSTOMERS, AND HOW TO BE HUMBLE!
At sa tingin ko dapat rin kayo manood ng mga bagong episodes sa KNOWLEDGE CHANNEL UPANG MALAMAN NIYO KUNG PAPANO ANG TAMANG PAGNENEGOSYO AT MALAMAN ANG "BATUKTALI" sa pagnenegosyo! 10 episodes yun. Panoorin niyo LAHAT!
At ngayong pasko lalo na't maraming pamilya ang mag bonding sa labas at definitely kakain, sana Maging maiingat kayo sa mg pagkaing sineserve niyo. At kung mangyari muli yun, isipin niyo ang kung kayo ang nasa posisyon ng customer. Minsan naiisip ko, nung sa karinderya ako kumakain, wala pa akong na experience na ganito. Kung kelan sa mga mas mahal at mas established pa na restaurant, dun pa pumapalya!
At para sa yo CHICKBOY I'm ending this relationship! Gaya ni KC and Piolo, Ni Rhian at ni Mo twister I'm ending this relationship with a bang! Full of controversy.
Goodbye CHICKBOY may you rest in peace just like the poor HUMONGOUS CATERPILLAR WHICH COULD'VE BEEN A BEAUTIFUL MARIPOSA, ONLY IF I HADN'T EATEN IT.
P.S.
BTW, sent you some pics as a souvenier!!! Enjoy!!
Not yours anymore,
The Customer who ate Kangkong with BULATE
Official Reply from the ChicBoy Management via Facebook:
THE COMPETITOR IS DESPERATE!!!
There are rumors going around Facebook that a caterpillar (or "bulate" as they call it) was found in our Ginisang Kangkong sa Bawang. If you are familiar with Chic-Boys ginisang kangkong sa bawang, our kangkong is cut into bits. HOW COME IN THE PHOTO THEY POSTED, THE CATERPILLAR IS WHOLE?
We are not surprised with this demolition job. We have only been in the market for a year and a half and we have grown to 64 opened stores and 48 under construction. Do you think the competition will just take us sitting down?
We are entrepreneurs who have good business ethics. We will build our name and business by giving our best to our customers and not destroy the name of our competitor for our gain. You be the judge!!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
oh my goodness! kumakain pa naman kami ng asawa ko sa Chicboy. No wonder sa unang tingin palang parang kahina hinala na ang cleanliness nila!!!!
ReplyDeleteWow, I feel for her... chic-boy management should have at least released an announcement from their website or whatever, guaranteeing that incidents like this will never happen again and utmost hygiene and cleanliness will be strictly observed rather than treating this complaint as an orchestrated demolition job. Bad business practice and poor damage control!
ReplyDeleteDear author, I just wanted you to know that there's a BIG difference between BULATE and CATERPILLAR. I'm not quite sure where you learned that utter mistranslation.. but "bulate' is roughly translated to "worm" while "higad" is the rough translation of caterpillar. To you tell you honestly, I'm a ChicBoy fan (of Jupiter St. Makati branch). I'm not discounting the gravity of the incident you got caught into, but your use of "bulate" really misappropriates the situation.
ReplyDeletemistakes and accidents happen. chicboy serves so many costumers that they have to rush orders. she said so herself, "Sa totoo lang naawa pa ko, dahil mga tauhan lang sila at hindi nila alam kung anong gagawin sa mga ganitong sitwasyon." ang drama niya. drama drama drama.
ReplyDeletekung hindi yan nakita, sana natadtad na rin yan paghiwa ng kusinero...
ReplyDeletemang inasal's paid intruder
ReplyDeleteYou might want to see this too:
ReplyDeletehttps://www.facebook.com/photo.php?fbid=121244657888409&set=a.180536878625853.44567.100000086252488&type=1&theater
hmm... papansin lang..
ReplyDeletemay replay nmn ng cctv dba?may date and time ung post kung iupload nlang pra tao na magdecide?dba?kaso kaso malamang lamang sila tinapon na ebidenxa eh..hahaha
ReplyDeletethe letter she made is overly dramatic. she has written it like she wanted to stir a commotion. And thinking of the process it have gone through (washing, cutting, sauteing, plating, serving) it's quite impossible to see such huge caterpillar. And why is it black anyway? Like it have been marinated in soy sauce...
ReplyDeleteIDK, I'll still be eating in Chic-Boy ... :P
O CHRIST! Look at that caterpillar! It looks like it's screaming for mercy! Probably while it was being cooked alive! ULK! That is so disgusting! Glad I never tried eating at Chickboy! Honestly, a lot of fast-food chains here in the Philippines have sanitary issues. But, God! A caterpillar? Does compromising quality for profit know no bounds?
ReplyDeletedi naman sa naninira din ako. sa linyang to "our kangkong is cut into bits" very well said. pero flawed eh. kung ung kangkong is cut into bits, how come ung mga leaves niya ay puro buo? cgro ganto. the stems are cut into bits. at ung dahon maybe may ibang lalagyan din. thats why the design of the food kapag hinahatid ng crew is in that way "ung leaves nasa gitna, at ung stems nasa paligid" so possible din tlga na ung CATERPILLAR ay hindi mapansin kasi ung leaves hindi naman cut by knife. literal na pag tanggal ng dahon sa kangkong. hand work. so if may sariling lalagyan ung dahon kada dakot ng crew nila dun hindi nila mapapansin yung mga sasamang alipores tulad nlang ng caterpillar. conclusion ko lang naman.
ReplyDeleteganon ba talaga itsura ng Timog Branch na yun? parang ang dumi din tlaga tignan,parang carinderia.I think may credibility naman yung complainant(look at her profile and what her friends are saying), saka hindi naman sya directly nagsocial media agad about this, maybe Chicboy's management really just mishandled the situation(kasi nga bago pa lang sila diba) kaya lumaki ng ganito. Buti nga smarte yung complainant, kung ako yun baka di na ako makapagdialogue susukahan ko lang sila ng susukahan.
ReplyDeleteikaw na nga nagsabi eh, AKALA MO TALONG ahaha
ReplyDeleteOveracting sa pag gamit ng "Bulate". hindi earthworm ang nasa plate. Bakit hindi ka magpasalamat at hindi ginagamitan ng Pesticide ang gulay na kinakain mo?
ReplyDeleteSino ba naman hindi magugulat at magagalit kung makakita ka ng gnyang kalaking higad sa kinakain mo. Iisipin mo pa ba kung ano talaga yun? Tapos halos makain mo na...
ReplyDeleteThis is weird, try to order one in ChicBoy and their Kangkong won't be as sad as that. Just my two cents.
ReplyDeleteme suspetsa ako: baka may galit ang cook at mga tao sa kusina sa mga boss nila sa chicboy timog. (kaya nilagyan nila ng caterpillar ang kangkong dish). nangyayari ang ganyan. malas nila at sinerve ang kangkong dish con caterpillar kay Sigrid Andrea P. Bernardo. hindi uurong ang batang yan!
ReplyDeletepara sa mga kumukontra: madrama na kung madrama, kayo kaya kumain ng pinagbbaran ng caterpillar? ok lang sainyo hindi mag drama at mag himutok ha?
ReplyDeleteTama
DeleteI agree with chicboy management and I dont believe his happened. This is just one of chicboy's competitors hoax.
ReplyDeletei am not a fan of chic-boy but i agree..this is just a strategy from the competitors and it's just funny to see a whole Caterpillar, not having any single damage with the thingy. so weird, so obvious that it's a fake. or it may also be a strategy of the complainant to be famous.. :)
DeleteWhoever wrote that ChicBoy Management response should get fired. They claim to be a company of integrity and bragged that they're so successful but then they basically dismissed their company's accountability with this unfortunate event with a client and passed the blame to their "Competitors" without thinking twice.
ReplyDeletegaling manira ng nagpost nun..sabi ko nga sa laki ng bulate na sinasabi nya bakit hndi nya nakita agad from the start p lang! kung kelan halos paubos na e tsaka xa magrreklamo! gusto lang manira nun! at makallibre sa kinain! baliw! at pinipilit pa kuhanin ung kangkong n may bulate! sana kinuha n lang agad nya bago xa nagreklamo! nagdala dala p xa ng pulis dun para langkuhanin ung bulate n un! bakit yayaman b xa dun???! lukaret ba babae
ReplyDeletebobito ka pla eh, d nmn niya ksama ung mga pulis, ung chicboy ung nagpatawag dun sa mga wla wenta na mga pulis
Deletebobo naman ng author nyan... maninira pa ang dami pang butas...
ReplyDeletemy mom cooked langka before... same thing happened, though the langka was cut into pieces, the whole of the caterpillar (not the higad) was there... probably it's because she didn't washed every single bit but as a whole in a strainer... but that's just ok. it was my mom who cooked it...
ReplyDeleteHakuna matatah kay sig :)
ReplyDeletekayo kaya nasa situation niya? will you still smile? and say its ok.. no prob.. thank you walang pesticide yung gulay ko.. and keep up the good work.. also galing ng customer service nyo commendable... and thank you sa food ethics lecture nag tawag pa kayo ng pulis escort, wow now i feel really important in this restau...
ReplyDeleteInstead of being too defensive, you should have focused on curing the situation and with rectifying the shocked and frustrated customer. These measures may have been done at the store level. . . Why would this caterpillar even be already black? we don't have any live black caterpillars here in our country (unless higad eto at kita agad yun) as far as i know, and green live caterpillars make good camouflage in any green plants/leaves. It seems that it has already been cooked, but unseen before it was cooked, and transferred to a certain container. I hope it's not true, but it appears to be. . . . Damage control is very important. Wag na maging mayabang pa kasi.
ReplyDeletebaka hindi niya alam yung itsura ng bulate
ReplyDeleteI ate once at Chic-Boy.
ReplyDeleteIt's not clean. Yung order namin na di ko na tinandaan ang pangalan dahil di ko nakain, may fresh bloods pa.
I think, she's just overly dramatic sa kanyang monologue, but what she said is true.
No matter how hard I try to defy generalization, I am or I mean we (family and friends) are living witnesses of how poor the customer service is as well as what is being served. We just ate at Chic-Boy Baguio cause it's something new here and the food is served cold (is it the weather that's keeping it from being warm?). My girlfriend ordered lechong sisig and the taste is nauseating.. The chicharon used tastes so old and tastes like gas. We complained to the store supervisor but rejected our innuendos. "Ganun daw talga ang lasa ng sisig"..This is not our first time to eat sisig so wag nyo naman sana kme gawing ignorante. grabe. These may seem trivial circumstances but please don't close your ears and eyes on matters that will pull up your business. Chic-Boy ex out ka sa list ng chains na babalikan namin ever. Dugyot ka! Ukinana!
ReplyDeleteyuck
ReplyDeleteSa tingin ko gawa gawa lang to.. pero tama nga naman kc yung alibi ng chick boy panu nga naman hindi mapapansin ang napakalaking caterpilar sa sinigang nga kangkong saka at first naman siguro bago ako kumaen mapapansin ko na kung ano ang sahog ng kinakain ko. :-) Well hindi man lang nga nabalita sa TV at wala man lang akong makitang witness.. sa nangyaring to.
ReplyDeleteYuck! I was just planning to eat here but unfortunately I don't like anymore . . I believe the complainant . . She or he will not react like that if that's not true . . Ewe! I feel sorry for him/her. .
ReplyDeletehttps://www.facebook.com/photo.php?fbid=121244657888409&set=a.180536878625853.44567.100000086252488&type=1&theater
ReplyDeletena chop daw oh. eh yung tangkay lang naman ang na chop to pieces eh, hindi yung dahon.. letse, hindi na lang kasi nila inamin na nagkamali sila.. tapos yung statement demolition job daw..
Hindi ako naniniwala na galing sa resto na yun yung higad. Kung sliced ang kangkong, bakit hindi sliced higad ang nandun? hmmmmmm. meron ditong gumagawa ng eksena. ano kaya talaga ang pakay>
ReplyDeleteI would say YAK chicboy....
ReplyDeleteSobrang O-a lang. kung napansin mo yung caterpillar nung nabawasan mo na yung laman, how come buo pa rin yung caterpillar sa picture? so lame ng drama mo teh.
ReplyDeleteSobrang vovo lang, sinipsip nya daw diba?
Deletebukod sa maling paggamit ng bulate ("parasite" - ang "worm" ay uod po) at higad ("caterpillar"), talaga bang "kinain" niya yung uod?
ReplyDeletebaka kasi nasa loob ng kangkong ung caterpillar lols hahahah tapos lumabas na nun nluto o kaya naman nasa cucon hahahah malinis naman yan kahit naman totoo o hindi yan masarap naman un e saka arte naman halaman naman kinakain nyan e........... hmmm sarap parang kangkong na binalot sa balat ng caterpillar lols...... nakakatawa ung sumulat(nag-type) ng letter super effort sya ahhhhhhhhhh
ReplyDeleteoo nga naman, dahon lng naman kinakain nun eh, edi caterpillar nlng ulamin mo araw2
Deletehaist ang artista pag sumisikat dumadami ang issue na mapanira...bakit kaya ang daming mga utak talangka??nang hihila pababa...n the process of cutting and chopping kangkong.."one by one",it's so impossible na hindi makita ung "napakalaki" na sinasabi mu na catterpillar...
ReplyDeleteAng higad habang nabubuhay ay kulay luntian, kasing-kulay ng gulay.
ReplyDeleteAng higad, habang nabubuhay, ay may mga madidikit na paa na kumakapit sa dahon, dahil dahon ang kinakain nito, hindi tangkay.
Ang tamang pagluluto ng kangkong ay inuuna muna ang tangkay dahil mas matagal itong maluto kaysa sa dahon. Ang mga tangkay ay tinatadtad, ang mga dahon ay hindi, kaya siguro hindi natadtad ang higad.
Posibleng nakabalot rin ang dahon sa higad na kasing kulay niya ng iluto, kung kaya't hindi napansin ang higad dahil ito ay naka-"camouflage"...
Sa mga nagsasabi na binayaran sya ng mang inasal, di po magagawa yan ng mang inasal. As I remember 7years na po sila sa business umasenso ng walang sinisiraan, alam ng Jolibee Corp. yan. Huwag po sana tayong mamintang, please have a proper investigation about it. Thanks.
ReplyDeleteMy wife and I ate at Chic-boy West Avenue. They served us "mabantot" na lechon and when we complained, they replaced it with, surprise! Another "mabantot" na lechon. We did not say anything anymore. We just promised ourselves that we will not eat at Chic-boy anymore.
ReplyDeletemeron din ako experience na ganyan sa trinoma Davao Tuna Grill may Ipis yung sabaw nila. Mas ok na sa akin ang caterpillar kesa sa ipis di hamak na mas malinis naman ang caterpillar kasi kinakain nyan e dahon. Pero parang nakakaduda kasi chop chop na yung kangkong then yung catepillar eh buong buo bakit di mo agad nakita yun? Advice ko lang sana bago ka lumamon ng lumamon i check mo muna maigi yung kinakain mo meron ka rin responsibility sa sarili mo i double check mo yung kinakain mo dahil fastfood yan di ka pa rin dapat magtiwala sa hinahain sau. another thing din kasi ako pag bumibili ng gulay mas gusto ko yun may mga butas na dahon na kinainan ng caterpillar sure ka na walang pestiside
ReplyDeleteSinong Tangang nagsabi na sinisiraan ng Mnag Inasal ang Chic-boy "mang inasal's paid intruder" - Hoy tanga nde mo ba alam na ang mayari ng Chic-boy ang dating may-ari ng 100% nshare ng Mang Inasal at binenta lang nya ang almost 90% part ng share Manginasal sa Jollibee. Nde ka nman cguro gago na siraan mo sarili mong negosyo!
ReplyDeletenatatawa ako sa nag post about chickboy...cno kya mas nakakadiri ang kalaban ng chickboy na naglalagay ng laway sa sabaw at binababoy ang fud..kpag matary ang cuctomer o ung catterpillar n kalokohan???un lng masasabi ko..kse may fren ako ngwork sa kalaban ng chickboy gnun mga knukwento nya..kaya nga d n ko kumakain dun..
ReplyDeletekalokohan! sobrang laki ng higad para di makita!. at sana bago ka umalis sa chicboy, ikaw na mismo kumuha ng kangkong mo..nanghingi ka sana ng plastik at ikaw nagbalot..imposible namang umalis ka pa..para ano?mapagaralan isasagot mo?! kalokohan!..di hamak na mas masarap ang pagkain at service sa chicboy kesa sa inasal..na sobrang bagal magserve..imposibelng di mo makita yan habang kinakain mo..di mo tinitignan kinakain mo?.. bayaran ka!!!
ReplyDeletekng di nya tinitignan, edi sna naubos nya
Deletetanga naman ng gumawa nyan first time ko makakita ng ganyang kalaking higad n namumuhay sa kang kong. eh karaniwan ng ganyang higad s puno nkikita. pinagisipan ba yan ng gumawa?
ReplyDeletePinagtatalunan namin kung slug yan o hindi.. kasi ang laki naman para sa bulate o higad.. Slug daw yan eh.. pero tingin ko monster yan. hahahaha. Trolololololol!
ReplyDeletethat was totally eeew... 50/50 tuloy ang nafifeel ko. wtf! i love chicboy. why is this happening?! damn it! I'm torn apart
ReplyDeleteYung customer, nagpost ng hinanakit nya. Kayong mga nagbabasa, hindi kayo ang nakaranas. Kaya pano nyo nasabi na "imposibleng hindi nakita"?
ReplyDeleteBakit? Kayo ba tuwing kakain, bubulatlatin nyo muna lahat ng nakalagay sa lagayan ng pagkain nyo bago nyo kainin? Bakit? Alam nyo ba ang eksaktong proseso ng paghahanda ng pagkain sa nasabing restaurant? Bakit? Nakita nyo ba?
Bago kayo magkumento laban sa customer, mag-isip muna kayo. Baka nga kung kayo nakaranas nun, eskandalo pa gawin nyo. Madrama ba masyado yung customer? Eh kayo kaya? Baka maging war-freak pa kayo.
Naninira ba yung kalaban ng Chicboy? Eh yung "official statement" ng Chicboy, hindi ba malinaw na paninira din base sa mga salitang ginamit?
Pahabol: Ang advertisement pictures ng halos lahat ng foodchain/restaurant ay malayo sa realidad. Obserbasyon ko lang naman yan. Marami siguro sasang-ayon dito.
kung ako yan.. ok lang sakin kasi garden caterpillar naman.. magwawala ako kung tapeworm yan! kakain pa din ako sa chicboy! nga lang tama nga naman sila.. sana una palang nagsorry na hindi yung kung ano ano pang offer! ibinigay nalang din sana ang pinatetake out at sila na bahala magsumbong sa kung kanino.. basta si chicboy eh alam na wala silang ginawa dun na masama malinis kunsensya..
ReplyDeleteTwo sides sa kada lahat ng kwento...pabor nga lang ako sa sitwasyon ni ate complainant, dahil mas walang butas yung complaint at olats rin ang pagiging defensive ng staff ng Chicboy. Matindi pa neto, may nilabas nga na statement ang Chicboy, isinisi na sa kumpitensya, mas nakakasuspetsa pa sa complaint!!! I think Chicboy dropped the ball here...Better yet, they dropped the soap and shoved their heads up their asses.
ReplyDeleteBobo yung Supervisor, mayabang at kala mo kung sino umasta, eh kapag ikinumpara mo sarili mong Supervisor ka mas mataas parin sa iyo ang position ng customer kasi their position as a customer should be valued and respect, they have the rights to say what they want kasi pota ka bobong SUPERVISOR AT BOBONG CHICKBOY.
ReplyDeleteGrabe talaga chicboy, dati nakaincounter din ako dito sa chickboy otis ng hindi maganda, ang order ng anak ko chicken. nung kinakain na ng anak ko nagulat kami may dugo dugo pa ung chicken, then nagreklamo ako sa manager, kinuha nila ung chicken at iluluto daw nila ulit, so ok lang sakin, pero trauma na sa anak ko at ayaw na nyang kainin kasi talagang nandiri na sya, then after nun ibinalik nila ung chicken, nginitian ko pa sila at nagpasalamat pa ako. then pinilit ko nalang ang anak ko na kumain na sya at ok na ung chicken, maya maya may kumatas na naman dugo at dun na ko hindi nakapagpigil at nilayasan na namin ung chickboy, ibang usapan na ang caterpillar, sana naman chickboy wag nyong ibalik sa tao ung pagkakamali nyo, dahil hindi maganda. kayo na nga nakaperwesyo kayo pa may ganang ipahiya ung customer nyo, ayusin nyo nalang ung management nyo b4 kau magturo sa mga kalaban nyo. sa inyo ang problema hindi sa kalaban nyo
ReplyDeletenakikiuso ang mang inasal sa freshness meron din sila caterpillar sa kangkong. :) see the link
ReplyDeletehttps://www.facebook.com/photo.php?fbid=10150578381632964&set=a.10150578380042964.402016.840777963&type=3&theater
the management should still apologize.. but i think they were too proud to do that.
ReplyDeletehonga, demolition job. antanga mo naman pag di nakita sinasuatee' caterpillar, bwhahahaha may caterpillar ba sa kangkong ???? linta pwede pa, hahaha
ReplyDeletebtw, ung chicken tamaaaa, may dugo dugo pa nga, kaya nga ayaw ko umorder ng chicken nila, in fairness masarap cebu lechon
nakakaloka. even after everything may mga papanindigan pa rin yung pagkain sa chic-boy. Pagtaas pa lang nila ng pride super wrong na eh. Although oo, hindi naman fault ng lahat yun. Kaso gosh, sanitation naman. And if sure naman ang Chic-Boy na wala silang fault dito, bakit naman sila mag-eeffort na sumagot in a defensive manner? The competitor is desperate? Don't you think na mas desperate sila with the way they dealt with the issue?
ReplyDeletesa CHICBOY MONTALBAN NDI TAMA UNG PAMAMALAKAD!!!NG TANGAL CLA NA NDI DUMADAAN SA PROSESO!!!DAPAT MAKARATING SA DOLE ANG GNAWA NG CHICBOY PUREGOLD MONTALBAN!!!!
ReplyDeleteEh baak ang Chickboy ay Balaw-Balaw kaya nag seserved ng ganun. hahahah
ReplyDelete..anu ba yan prang gusto qu tulog maexperience ung kangkong na may caterpillar sarap cguro lspin ang buong pagkabulate nya hehehe! nam nam nam! delicious sa unang tingin ang CHICKBOY may cleanliness pero sa sobrang linis mas hindi na nki2tng dumi..hahaha REST IN PEACE ..chickboy try qu dn jn..
ReplyDeletethat's not true..i also cooked garlic kangkong..its very impossible not to see that king of caterpillar its very visible for a person..maybe the cook was blind kaya naiserved..hehehe hanap eksena lang yan
ReplyDeleteWe were a former supplier of chick-boy sadly they don't pay on time. I think it's no secret that they have financial problems. Now I know why.
ReplyDelete