Thursday, February 5, 2015

EDSA Bus Car Accident: Toyota Vios Vs. Dela Rosa Transit Bus


Report via DZMM: Wasak ang isang bagong kotse matapos madaganan ng pampasaherong bus sa EDSA-Muñoz northbound sa Quezon City. Ayon sa nakasaksing si Wilfredo Ramos, pa-kanan sa kanto ang gray Toyota Vios nang biglang pumreno ang Cher bus sa harapan. Bumangga ang kotse sa naturang bus. Pero dahil na rin sa mabilis umanong takbo ng Dela Rosa Transit ay bumangga at sumampa naman ito sa likuran ng Toyota Vios.

Halos isang oras na naipit ang driver ng kotse bago nahugot. (Wow buhay siya! Miracle talaga ito considering the state of the wreck )

Sa kabila ng matinding pagkayupi ng kotse, kaunting sugat lamang ang nakitang tinamo ng driver at may malay ito nang ilabas at isakay sa ambulansya. Dumating ang ilang kaanak nito kaya nakilala ang biktima na si Marcelino Umali Jr.

Kinilala naman ang bus driver na si Edgardo Lilis. Giit nito, nawalan siya ng kontrol dahil nawalan ng preno ang sasakyan kaya naaksidente. Nilinaw naman nitong hindi siya tumakas kundi nagpasyang dumiretso na lang sa Traffic Sector 6. Natakot din anya siyang kuyugin ng mga tao sa lugar. Hawak na rin ng mga awtoridad ang kundoktor. Nagdulot ng matinding pagsisikip sa trapik ang insidente.



More bus incident photos at TopGear Philippines -click on the article: Car pinned by bus on EDSA is most horrific thing you'll see this week




No comments:

Post a Comment