Friday, July 24, 2015

Jimboy Salazar: Dating Mahal ni Mahal Pumanaw Na!

Sumakabilang buhay na po si Jimboy Salazar ang dating That's Entertainment star and ex-boypren ng midget comedienne na si Mahal.

Dahil sa ilang beses na pagpapagamot, naubos na lahat ng naipon ng aktor noon sa mga pagtatanghal. May chronic illness ang aktor na at sa huli halos buto't balat na ito ng magkaroon ng bout with pneumonia.

Mas naging kontrobersiyal pa ang paghihiwalay nila noon ni Mahal dahil umamin si Jimboy na isa siyang homosexual at may boypren na si John Danan, na isa ring comedy bar host at singer. Pero hindi natuloy ang kasal ng dalawa, nag hiwalay din si Jimboy at John.


Si Mahal naman mabilis din nakapag-move on at nakahanap ng mas batang boypren na si Jimmy Navarro, 34-anyos, biyudo, na may isang anak.

1 comment: